Add parallel Print Page Options

(A)At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, (B)hanggang sa punong encina ng More. (C)At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,

At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (D)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.

At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: (E)at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.

Read full chapter